Thursday, August 28, 2008

karanasan

sa aking pakikiisa sa tinaguriang "araw ng wika", hayaan ninyong isulat ko ang aking mga karanasan sa araw na ito gamit ang aking katutubong wika. isasantabi ko muna ang wikang ingles dahil minsan lamang ako makakapagsulat sa ganitong paraan.

kanina ay naganap ang programa para sa araw ng wika--na dati ay buwan ng wika, na naging linggo ng wika. nagsimula ang programa sa pagpapakitang-gilas ng mga estudyante mula sa iba't ibang baitang sa mga hurado. siya nga pala, namomroblema ako sa kung anong susuotin habang nanonood dahil ang sabi sa amin ng aming guro ay dapat magsuot kami ng filipiniana. wala naman akong masuot o mahiraman man lang, kaya nag-desisyon ako na wag na lang umuwi sa tanghali at mag-uniporme na lang. di bale nang walang dagdag na puntos.. :-)

matapos ang 2 1/2 oras ng paglalagi sa aming silid aralan, dumating na ang oras ng paglilista ng attendance (pasensya na hindi ko alam ang salitang tagalog para dyan!). nun ko napagtanto na gusto ko pala magsuot ng filipiniana at ayokong maki-isa sa mga naka-uniporme lang. dali-dali akong naghanap ng tsinelas at damit..pero walang may extra. inalok ako ni mazy ng mga gamit na yun at lampas ala-una na ng nakabalik kami mula sa bahay nila. nagpalit agad kami ng damit at nahiya ako sa aking suot. waaaaah!!! :-O

ilang ulit kong tinatanung sa mga kaibigan ko--miski sa mga hindi ko naman kaibigan--kung pangit ba ang suot ko. sabi ng iba, ok lang daw. sabi naman ng iba, mukha akong si mama mary. sabi naman ng iba, mukha akong arabo. hay naku..mabuti na lang at nagsimula na ang pangalawang parte ng programa..nanood kami mula sa itaas. bago pala iyan (pasensya na sa magulong pagkukwento!) ay nagkaroon muna ng presentasyon ng pagkain ang mga estudyante. at sa kasamaang palad, hindi ako nakatikim ng aming inihanda na palabok. :-( balik tayo sa ikalawang parte ng programa. pinanood namin ang muslim dance ng mga kamag-aral namin sa ikaapat antas. at napahanga nila ako. galing!

sa pagtatapos ng programa ay sinabi ang mga nanalo. at lahat ng mga sumali mula sa ikaapat na antas ay nanalo!!! nakakatuwa naman. :-) sa uwian, magkakasama kaming umuwi ng mga ka-barkada ko. at dyan po nagtatapos ang aking kwento para sa araw na ito. yun lang po at maraming salamat! :-)

No comments: